M6.8 na lindol tumama sa Vanuatu

Isang magnitude 6.8 na lindol ang yumanig sa Vanuatu ngayong madaling araw sa Pilipinas.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol eksaktong alas-2:07 ng umaga sa Pilipinas.

May lalim itong 10 kilometro.

Sinabi naman ng ahensya na bagaman may kalakasan ang lindol ay wala itong banta ng tsunami sa Pilipinas.

“This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” giit ng Phivolcs.

Read more...