Alegasyon ni Falcis na pananakot ng iba pang personalidad, pinabulaanan ni Kris Aquino

By Rhommel Balasbas January 16, 2019 - 03:40 AM

Itinanggi ni Kris Aquino ang alegasyon ni Nicko Falcis na nanakot siya ng iba pang personalidad tulad ng journalists na sina Korina Sanchez at James Deakin.

Sa isang Facebook live video ni Aquino Martes ng gabi, binatikos nito ang pandadamay ni Falcis sa ibang tao.

Iginiit ng Queen of All Media na maayos ang kanyang relasyon sa pamilya ni Mar Roxas na asawa ni Sanchez.

Sinabi pa ni Aquino na nakipag-usap sa kanya si James Deakin tungkol sa isyu at sinagot niya ito ng diretso hindi tulad ni Falcis na isa anyang duwag.

Kabilang pa sa mga personalidad na tinakot umano ni Kris ayon kay Falcis ay sina James Yap, Mocha Uson at Ricky Lo.

Samantala, sinabi pa ni Kris na mayroong ‘bigger political powers’ na gumagamit kay Falcis.

May kinalaman anya ito sa darating na presidential elections kung saan pinopondohan ng naturang mga pulitiko ang mga trolls at ngayon ay sinusuportahan si Falcis.

Dahil anya sa mga nangyayaring ito ay lalong magpapalakas si Kris sa kabila ng hinaharap niyang sakit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.