Publiko binalaan ng DOTr tungkol sa isang fake LTO page

Nagbabala sa mga motorista ang Department of Transportation (DOTr) tungkol sa isang pekeng facebook page ng Land Transportation Office (LTO).

Tinawag ng DOTr na ‘SCAMMER’ ang naturang page na nakikipagtransaksyon lamang online.

Iginiit ng kagawaran na hindi nakikipagtransaksyon ang LTO sa pamamagitan ng SMS at couriers.

Hindi rin tumatanggap ang LTo ng bayad sa pamamagitan ng SMART Padala.

Kaya payo ng DOTr sa mga motorista, bumisita lamang sa mga tanggapan ng LTO para sa mga transaksyon.

Read more...