Publiko pinag-iingat sa trangkaso ngayong Enero at Pebrero

By Len Montaño January 16, 2019 - 02:45 AM

University of Kentucky Photo | Inquirer

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat kasabay ng pagpasok sa peak months ng flu season.

Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, ang Enero at Pebrero ang peak months kung kailan marami ang nagkaka-trangkaso kaya dapat mag-ingat na magkasakit nito at maikalat ang virus.

Pero sinabi ni Domingo na kumpara sa kabuuang datos noong nakaraang taon sa buong bansa, mas mababa pa rin ang naitalang mga nagka-trangkaso ngayon.

Ang 2018 anya ay maituturing na bad season para sa flu hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Nakakahawa anya ang iba’t ibang strains ng flu oras na may contact sa katawan ng tao, maging ito man ay sa pamamagitan ng ubo mula sa ibang tao o paghawak sa kontaminadong gamit pagkatapos ay hahawakan ang bibig o ilong.

Hinimok ni Domingo ang mga tao na takpan ang kanilang bibig kapag umuubo o bumabahing para maiwasan ang pagkalat ng flu virus.

Madali naman anyang gamutin ang trangkaso liban kung tumama ito sa mga bata, matatanda at may mahinang immune system dahil may ibang sakit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.