State-run companies sa China pinaiiwas sa pagbiyahe sa Estados Unidos

By Len Montaño January 16, 2019 - 01:44 AM

Binalaan ng China ang ilang kumpanya ng gobyerno na iwasan ang business trips sa Estados Unidos at mga kaalyado nitong bansa.

Bukod dito ay pinag-ingat din ang mga state-run companies na protektahan ang kanilang mga gamit kung kailangang bumiyahe sa naturang mga bansa.

Ayon sa State-Owned Assets Supervision and Administration, ang ahensyang nagbabantay sa 100 government-run companies, ang mga kumpanya na ang mga empleyado ay bibiyahe sa Amerika ay dapat na mga laptop na ipinagagamit lamang ng kumpanya ang kanilang dalhin.

Kasama sa travel advice ng China ang babala sa pagbiyahe sa Britanya, Canada, Australia at New Zealand.

Nag-ugat ang tensyon sa pagitan ng China at US sa pag-aresto sa top executive ng Chinese technology giant Huawei sa Canada sa hiling ng mga otoridad ng Amerika.

Nagbabala ang China ng hindi magandang resulta liban na lang kung palalayain si Meng Wanzhou, chief financial officer at tagapag-mana ng Huawei.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.