MIAA muling nagpaalala tungkol sa pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit sa mga bagahe

By Len Montaño January 16, 2019 - 01:31 AM

Iginiit ng Manila International Airport Authorities (MIAA) ang panawagan sa mga pasahero na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na mga gamit sa kanilang mga bagahe.

Ito ay matapos na maharang ang isang Pilipinong estudyante sa airport sa Hong Kong noong January 8 dahil sa pagdadala ng baton.

Hinimok ni MIAA General Manager Ed Monreal ang publiko na alamin ang guidelines ng airline na kanilang sasakyan gayundin ang mga polisiya ng bansa na kanilang pupuntahan para iwas problema sa biyahe.

Ayon sa ahensya, ang Pinoy student ay papuntang Canada nang maharang sa Hong Kong dahil sa dala nitong extendable batons sa kanyang check-in baggage.

Sa ilalim ng firearms and ammunition law ng Hong Kong, ang tinatawag na stunning device gaya ng extendable baton ay makukunsiderang armas.

Apela ni Monreal sa mga pasahero, mag-ingat sa pag-empake ng bagahe kapag pupunta sa ibang bansa.

Nasa listahan ng Office of Transportation Security (OTS) ng mga bawal na gamit ang projectiles, stunning device, matatulis na gamit, construction tools at pampasabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.