Pacquiao nasa Las Vegas na para sa laban kontra Broner

By Len Montaño January 16, 2019 - 12:23 AM

AP Photo

Dumating na sa Las Vegas si Filipino boxing champion Senator Manny Pacquiao para sa laban nito kay Adrien Broner sa MGM Grand Garden Arena sa Sabado oras sa Amerika.

Bago dito ay tinapos ni Pacquiao ang kanyang training sa Los Angeles sa pamamagitan ng jogging sa gitna ng maulan at malamig na panahon.

Sa huling pagkakataon naman ay nagkaroon ng sparring session ang pambansang kamao sa Wild Card Gym noong Linggo.

Target ng 40 anyos na si Pacquiao ang “convincing win” laban kay Broner matapos ang panalo kontra Lucas Matthysse sa Malaysia noong July 2018.

Sa laban kay Broner, nais ni Pacquiao na depensahan ang kanyang WBA welterweight title.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.