Filipino Student nalunod sa New Zealand

By Len Montaño January 16, 2019 - 12:01 AM

Nalunod ang isang Filipino student habang nagsi-swimming kasama ang mga kaibigan sa New Zealand.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nalunod ang 26 anyos na si Kent Espinosa sa Whangarei Falls.

Nasa school break si Espinosa kaya nag-swimming ito kasama ang mga kaibigan.

Wala namang ibang detalye ukol sa pagkalunod ng Pinoy student.

Sa statement ay nagpahatid ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng estudyante.

Sinabi ng ahensya na nakikipag-ugnayan si Ambassador Jesus Domingo ng Philippine Embassy sa Wellington sa mga otoridad sa New Zealand para sa paglalabas ng kaukulang visa sa kapatid na babae ng biktima na mag-uuwi ng mga labi ni Espinosa sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.