DFA: Birth certificate hindi kailangan sa passport renewal

Inquirer file photo

Kung pagbabatayan ang pahayag ng APO Production Unit, walang “breach” sa passport data.

Yan ang pinakahuling statement ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, sa gitna pa rin ng usapin sa passport mess.

Ani Locsion, hindi natangay ng dating contractor ang kagawaran ang data ng mga passport holder, sa halip ay nagkaproblema lamang dahil hindi ma-access ng DFA ang mga impormasyon ng ilang mga kliyente sa kanilang database.

Dahil dito, sinabi ni Locsin na hindi na kakailanganin pa ng birth certificate kapag magre-renew ng pasaporte.

Naglabas na ang kalihim ng department order ngayong araw, na nag-aatas na tanggalin na ang birth certificate bilang requirement sa renewal ng passports.

Ang mga hahanapan lamang ng birth certificate ay ang mga first time applicants, yung mga nagmamay-ari pa ng “brown passport” at iyung mga nasira o nawalan ng pasaporte.

Sa kabila nito, inamin ni Locsin na tanging isang Senate investigation ang makakapagbigay ng katiyakan sa publiko na wala talagang breach o pagkawala ng mga passport data.

Kaya ani Locsin, wala pa ring assurance na mailalabas ang DFA ukol sa kaligtasan at seguridad ng mga data.

Read more...