Muntik nang makalusot ang nasa dalawang libong mga raliyista patungo sa Roxas Boulevard sa Pasay City.
Nagawa kasi ng mga anti-APEC rallyists na makapagmartsa sa kahabaan ng Buendia hanggang sila ay makarating malapit sa Roxas Boulevard.
Gayunman, kahit nasa 300 daan lamang ang nakaabang na anti-riot police kontra sa nasa 2,000 raliyista ay mayroon namang dalawang truck ng bumbero na nakaposte sa lugar.
Nang nagpilit ang mga raliyista na makatawid patungo sa Roxas Boulevard ay doon na sila binomba ng tubig ng trak ng bumbero.
Maliban sa barikada ng mga pulis, mayroon ding mga container vans na iniharang sa lugar para matiyak na hindi makakalusot ang mga nagpoprotesta.
Kahit binomba na ng tubig, itinuloy ng mga raliyista ang pagsasagawa ng programa sa lugar.
Namataan ding kasama ng mga militanteng grupo na nagpoprotesta si dating Bayanmuna Party List Rep. Satur Ocampo.