Dagdag na pondo ng DOH gagamitin sa mga health center
Inamin ni Health Secretary Francisco Duque Jr., na may plano na sila sakaling maibalik kahit ang bahagi ng inalis na P16.8 Billion sa kanilang inihirit na budget ngayon taon.
Sa patuloy na deliberasyon ng 2019 DOH budget sa Senado, sinabi ni Duque na ang maibabalik na budget ay gagamitin nila sa kanilang Health Facility Enhancement Program.
Aniya prayoridad nila makumpleto na ang mga kagamitan sa mga pampublikong ospital na 100 porsiyentong tapos na at ang pangalawa nilang prayoridad ay tapusin naman ang mga ospital at health centers na malapit ng matapos.
Paliwanag ni Duque ayaw na nilang magkaroon ng pagsisiksikan sa mga ospital kung saan hanggang sa mga pasilyo ay may mga pasyente.
Aniya kapag may maayos na health center sa mga barangay ay magagamot na ang mga simpleng karamdaman o operasyon at hindi na makikipagsiksikan pa sa mga ospital ang may simpleng pangangailangang medikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.