Lacson: P75-B na budget insertion pwedeng gamitin sa ibang infra projects

Inquirer file photo

Nilinaw ni Senator Ping Lacson na hindi naman masasayang ang aalisin sa naidagdag na P75 Billion pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para ngayon taon.

Ayon kay Lacson maari naman ilipat ito sa ibang ahensiya para mas maging kapakipakinabang.

Binanggit ng senador na maaring magamit ang pondo sa bypass road project ng DPWH  sa Cordillera na kapag naisaayos at  malaking katipiran sa pagbiyahe.

Sa ngayon aniya ilan taon nang ginagastusan ang proyekto ngunit hindi pa magamit dahil delikado sa para sa mga motorista.

Samantala, sinabi pa ng senador na minamadali na nila ang deliberasyon sa 2019 General Appropriations Act ngunit pagdidiin niya binubusisi pa rin nila ito ng husto.

Tiniyak rin ng mambabatas na hindi nila palulusutin sa Senado ang anumang uri ng insertion o pork barrel.

Read more...