Lacson: P75-B na budget insertion pwedeng gamitin sa ibang infra projects
Nilinaw ni Senator Ping Lacson na hindi naman masasayang ang aalisin sa naidagdag na P75 Billion pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para ngayon taon.
Ayon kay Lacson maari naman ilipat ito sa ibang ahensiya para mas maging kapakipakinabang.
Binanggit ng senador na maaring magamit ang pondo sa bypass road project ng DPWH sa Cordillera na kapag naisaayos at malaking katipiran sa pagbiyahe.
Sa ngayon aniya ilan taon nang ginagastusan ang proyekto ngunit hindi pa magamit dahil delikado sa para sa mga motorista.
Samantala, sinabi pa ng senador na minamadali na nila ang deliberasyon sa 2019 General Appropriations Act ngunit pagdidiin niya binubusisi pa rin nila ito ng husto.
Tiniyak rin ng mambabatas na hindi nila palulusutin sa Senado ang anumang uri ng insertion o pork barrel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.