Pagpapalaya kay NDF consultant Rafael Baylosis iniutos ng Korte

By Isa Avedaño-Umali January 15, 2019 - 05:23 PM

Inquirer file photo

Inabswelto ng korte si National Democratic Front o NDF consultant Rafael Baylosis sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Matatandaan na inaresto si Baylosis at kasama nitong si Roque Guillermo noong January 31, 2018.

Kabilang sila sa mga nahuli matapos na mahinto ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.

Sa utos ni Judge Editha Miña-Aguba ng Quezon City Regional Trial Court branch 100, iligal ang pagkakahuli at search warrant laban kay Baylosis.

Punto pa ng hurado, ang nakuhang armas mula kay Baylosis ay hindi maaaring gamiting ebidensya laban sa kanya, dahil sa inconsistent na statement ng mga pulis.

Iniutos na ng korte na palayain si Baylosis mula sa pagkakakulong, maliban na lamang kung may ibang kaso pa siyang kinakaharap.

Pinababalik naman ang nailagak na piyansa ni Guillermo na nauna nang binigyan ng provisional liberty.

Samantala, nakatakdang magsampa si Baylosis ng counter charges laban sa mga nasa likod ng iligal na pagkaka-aresto sa kanya.

TAGS: consultant, CPP, NDF, NPA, Rafael Baylosis, consultant, CPP, NDF, NPA, Rafael Baylosis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.