Separation pay para sa Hanjin workers tiniyak ng DOLE
Tiniyak ng Department of Labor and Employment o DOLE na bibigyan ang nasa 3,800 na manggagawa ng Hanjin na mawawalan ng trabaho ng “separation pay” na katumbas ng kanilang isang taong serbisyo.
Sa isang press briefing, sinabi Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi dapat mabahala ang libu-libong kawani sa Hanjin at kanilang pamilya na mawawalan ng hanapbuhay.
Nagpasabi na aniya ang Subic Shipbuilder Corporation na ibibigay ang kaukulang separation pay sa mga kawani ng Hanjin na mawawalan ng trabaho.
Ayon sa kalihim, ang mga kawani ng Hanjin ay tumantanggap ng minimum wage na P800 araw-araw kaya malaki ang maitutulong ng matatanggap nilang separation pay.
Maaari rin aniyang bumalik sa kanilang mga lalawigan ang ibang manggagawa ng Hanjin upang doon simulan ang pagnenegosyo.
Dagdag ni Bello, maraming contruction companies ang naghahanap ngayon ng mga trabahador.
Nauna nang naghain ng bankruptcy ang Hanjin at may pagkakautang na mahigit $412 million sa iba’t ibang mga bangko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.