House Speaker Arroyo umaming gumamit ng “marijuana”

By Erwin Aguilon January 15, 2019 - 04:03 PM

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Aminado si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gumamit na siya ng medical marijuana.

Sa isang ambush interview sa Quezon City, sinabi ni SGMA na gumamit siya ng marijuana pain patch sa bansa at pinapahintulutan ang paggamit nito.

Paliwanag ng lider ng Kamara, ito ay dahil sa cervical pain na kanyang nararanasan.

Paglilinaw naman ni SGMA, sa ibang bansa niya ito ginagawa kung saan pinapayagan ang paggamit ng cannabis para sa medical purposes at hindi dito sa Pilipinas bilang wala pang batas na sumusuporta dito.

Dahil dito, sinabi ni Arroyo kaya inakda niya ang panukala upang maging legal ang medical marijuana sa bansa upang makatulong sa mga nangangailangan tulad niya.

Pero, kahit anya itinutulak mismo niya ang panukala para sa pagsasalegal ng medical marijuana ay marami pa rin ang kumokontra dito.

Sa ngayon ay nasa ikalawang pagbasa na ang paggamit ng medical cannabis sa Kamara.

TAGS: Arroyo, cannabis, medical marijuana, speaker, Arroyo, cannabis, medical marijuana, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.