Dalawang siyudad sa Pilipinas nasa mababang pwesto sa “most livable APEC cities”

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2015 - 10:47 AM

roxas boulevardNaitala sa mababang pwesto ang dalawang lungsod sa Pilipinas sa listahan ng mga most livable APEC Cities.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Pricewaterhouse Coopers (PwC) na may titulong “Building Better Cities”, lumabas na ang Manila ay naitala sa rank 22 at ang Cebu naman ay rank 26. Nabatid na 28 APEC cities ang isinama sa survey.

Inilabas ang nasabing survey bilang sidelines ng APEC CEO Summit na nagaganap sa bansa.

Kabilang sa pinagbatayan sa pagra-ranggo ng mga lungsod ang connectivity, environmental sustainability at health and welfare.

Ang Maynila, ay nakakuha ng score na 15 sa larangan ng culture and social health, 9 sa connectivity, 2 sa health and welfare, 3 sa environmental sustainability at 7 sa economics.

Habang ang Cebu City naman ay nakakuha ng score na 12 sa culture and social health, 2 sa connectivity, 3 sa health and welfare, 6 sa environmental sustainability, at 6 sa economics.

Isinisi naman ni Guillermo M. Luz, co-chairman ng National Competitiveness Council private sector sa mga lokal na pamahalaan ang mababang ranggo na nakuha ng Maynila at Cebu.

Sinabi ni Luz na ang competitiveness, livability at sustainability ng isang lungsod at responsibilidad ng mga alkalde.

TAGS: Most Livable APEC cities, Most Livable APEC cities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.