Pangulo ng Sri Lanka darating sa bansa para sa state visit

AP

Limang araw na mananatili sa bansa si Sri Lankan President Maithripala Sirisena.

Ito ay para sa kanyang kauna-unahang state visit sa Pilipinas.

Base sa abiso ng Malacañang, mamayang 10:50 ng gabi  ang expected time of arrival ng lider ng Sri Lanka sa NAIA Terminal 3.

Bukas inaasahang magkikita si Sirisena at si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang na susundan ng bilateral meeting.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magiging focus ng gagawing pagpupulong nina Pangulong Duterte at President Sirisena ang tungkol sa interes ng dalawang bansa na may kinalaman sa pulitika, ekonomiya, agriculture, cultural at people to people engagement.

Read more...