Malacañang bumuwelta sa obispo na kumastigo sa pangulo

By Chona Yu January 15, 2019 - 03:11 PM

CBCP photo

Pumalag ang Malacañang sa batikos ni Balanga Bishop Ruperto Santos na disgrace o isang malaking kahihiyan ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tanong ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, “Alin ang mas kahiya hiya? Ang isang kagawad ng simbahang katolika na gumagamit ng lenggawahe na nakapipinsala sa pagkatao ni Pangulong Duterte na ginagampanan lang naman ang anyang constitutional duty na protektahan ang kapakanan ng taong bayan”.

Nakadidismaya ayon kay Panelo dahil maaring misinformed, uninformed o binabalewala lamang ang pinakabagong survey na marami pa rin sa mga Filipino ang patuloy na sumusuporta sa pangulo.

Sinabi pa ng kalihim na hindi rin sinusunod ni Bishop Santos ang turo ng simbahang katolika na kapag binato ka ng putik ay batuhin mo ng tinapay.

Sa halip kasi aniya na batikusin ang pangulo, dapat na ipinanalangin na lamang ni Bishop Santos ang punong ehekutibo.

“We are sad with the remarks of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos that the Duterte presidency is a disgrace to the country, especially coming from a man of the cloth” ayon kay Panelo.

Hinimok pa ni Panelo si Bishop Santos na ipanalangin na lamang si Pangulong Duterte kasabay ng panalangin na maliwanagan ang Obispo.

TAGS: bishop, CBCP, duterte, panelo, ruperto santos, bishop, CBCP, duterte, panelo, ruperto santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.