May-ari ng Aremar Construction itinanggi na may kaugnayan siya kay Diokno

By Erwin Aguilon January 15, 2019 - 12:46 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Itinanggi ni Casiguran, Sorsogon Mayor Edwin Hamor ang paratang ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na balae niya ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Rules, sinabi ni Hamor na tanging sa isang kasal lamang niya nakilala ang kalihim.

Sinabi ni Mayor Hamor na hindi niya matatawag na balae si Diokno dahil anak si Romeo Sicat Jr. ni Vice Gov. Esther Hamor sa unang asawa.

Aminado naman ito na minsan nyang nakita si diokno na ang tawag sa kanya ay mayor.

Inamin din nito na hindi siya malapit sa mga anak sa kasalukuyang asawa.

Nagigisa ang alkalde dahil sa kinukuwesyon pagbuhos ng maraming proyekto sa flood control sa bayan nito sa Casiguran, Sorsogon.

Inamin ni Hamor na sya ang nagtayo ng Aremar Construction Corp. na ipinamana sa mga anak pero bumitaw na sya.

Iginiit pa ng alkalde na may mga nakalap din silang mga dokumento mula sa Mines and Geosciences Bureau na nagsasabing prone sa pagbaha ang kanilang bayan.

Gayunman, iginiit ni Andaya na si Hamor ay may kaugnayan kay Diokno bilang ang alkalde ay mother-in-law ng anak ni Diokno na si Charlotte.

No-show pa rin naman sa pagdinig si Diokno.

TAGS: Aremar construction, House of Representatives, Radyo Inquirer, Aremar construction, House of Representatives, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.