Kris Aquino inaming boses niya ang maririnig sa audio recording na kumakalat sa social media

By Jimmy Tamayo January 15, 2019 - 12:34 PM

Photo credit: Kris Aquino’s Instagram account

Hindi itinanggi ni Kris Aquino na siya ang nasa audio recording na kumakalat ngayon.

Maririnig sa nasabing phone conversation ang pakikipag-usap ni Kris sa dati nitong tauhan na si Nicko Falcis.

Maririnig sa usapan ang tila pagbabanta ni Kris kay Nicko nang sabihan niya na “papapatay ka ng pamilya ko.”

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Kris na nangyari ang pag-uusap na ito sa kanila ni Nicko noong September 27, 2018.

Gayunman, kinuwestyon nito kung bakit hindi siya kinasuhan ni Nicko ng grave threat kung talagang pinagbantaan siya.

Higit isandaang araw na aniya ang nakalipas at handa daw niyang harapin ang anumang kaso at handa niyang ipagtanggol ang sarili sa korte.

Nag-iwan din si Kris ng tanong kung bakit ayaw sagutin ng kampo ni nicko kung nasaan ang 40 million investment na galing sa trust fund ng kanyang mga anak.

Umani ng ibat-ibang reaksyon ang nasabing post ni Kris.

TAGS: Kris Aquino, Nicko Falcis, Radyo Inquirer, Kris Aquino, Nicko Falcis, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.