Empleyado ng LTO patay sa pananambang sa Kidapawan City

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 12:20 PM

Patay ang isang empleyado ng Land Transportation Office sa Kidapawan City matapos itong tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Ayon kay Police Chief Insp. Johnny Rick Felogco Medel, hepe ng Makilala police, ang biktima ay nakilalang si Orville Abalos Obelidhon, 38 anyos at residente ng Magsaysay, Daval Del Sur.

Sinabi ni Medel, nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo ang biktima nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek.

Agad nasawi ang biktima dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen at inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

TAGS: ambush incident, Kidapawan City, LTO employee, ambush incident, Kidapawan City, LTO employee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.