Pagpapauwi sa mga labi ng mag-asawang Pinoy na nalunod sa Maldives ipinapo-proseso na ng DFA

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 12:06 PM

FB Photo

Nakausap na ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr. ang mga kaanak ng mag-asawang Pinoy na nasawi habang nasa honeymoon sa Maldives.

Personal na pinaabot ni Locsin ang pakikiramay sa pamilya nina Leomer at Erika Joyce Lagradilla.

DFA Photo

Tiniyak ni Locsin sa pamilya na tutulungan sila ng gobyerno para maibalik sa Pilipinas ang mga labi ng mag-asawa.

Inatasan na rin ni Locsin ang Philippine Embassy sa Dhaka na makipag-ugnayan sa mga otoridad sa Maldives para sa repatriation nina Loemer at Erika na kapwa nalunod.

Una rito ay umaapela ng tulong ang mga kaanak at kaibigan ng mag-asawa dahil kailangan ng P1,268,000 para maiuwi ang katawan ng dalawa.

TAGS: DFA, Leomer and Erika Joyce Lagradilla, MAldives, DFA, Leomer and Erika Joyce Lagradilla, MAldives

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.