Plebesito para sa BOL posibleng mapurnada ayon kay Rep. Andaya

By Erwin Aguilon January 15, 2019 - 11:54 AM

Inquirer File Photo

Dahil sa kawalan ng pondo nanganganib na hindi matuloy ang plebesito para sa Bangsamoro Organic law o BOL ngayong Enero 21.

Ito ay dahil hindi naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa BOL plebscite.

Ayon kay House Majority leader Rolando Andaya kailangan ng Commission on Elections (Comelec) ng P857 milyon para sa nasabing plebesito subalit nakalimutan ni DBM Secretary Benjamin Diokno na maglaan ng P10 bilyon alokasyon sa Comelec 2019 national budget.

Kaya tanong ni Andaya, saan kukunin ng Comelec ang pondo para sa plebesito kung wala ito sa panukalang pambansang pondo at wala rin sa savings ng 2018.

Posibleng hindi mailabas ang budget para sa BOL plebiscite sa Mindanao dahil nauna nang sinabi ni Diokno na wala siyang kapangyarihan na mag release ny pondo kung wala ito sa national budget.

Bukod din sa BOL plebscite hindi rin naisama ni Diokno sa 2019 national budget ang para sa implementasyon ng naturang batas dahil sa kawalan ng budget documents na isinumite ng DBM sa kongreso.

TAGS: BOL, Budget, comelec, DBM, plebiscite, Rolando Andaya, BOL, Budget, comelec, DBM, plebiscite, Rolando Andaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.