10 sugatan sa girian ng mga raliyista at mga pulis sa Maynila
Umabot sa sampu ang nasugatan na miyembro ng militanteng grupo na nagsasagawa ng kilos protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Isa sa mga sugatan si Janima Makatangcop na miyembro ng LFS-Cagayan De Oro, na tinamaan ng shield sa mukha.
Putok naman ang ulo at kinailangang isugod sa ospital ng dalawang militante na isang lalaki at isang babae matapos kapwa mahampas ng yantok sa ulo.
Karamihan ay nadaganan at nagtamo ng mga sugat at galos sa tuhod paa at iba’t-ibang bahagi ng katawan na nilapatan na lamang ng paunang lunas sa Liwasang Bonifacio.
Isang pulis na hindi pa nakilala ang sinasabing putok din ang ulo dahil sa paluan at tulakan ng mga militante at anti-riot police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.