Kaninang alas 5:00 ng umaga, bumagsak sa 12 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City.
Inaasahan ding bababa pa ang temperatura sa lungsod sa mga susunod na araw.
Noong January 9, 1971 ang pinakamababang temperatura sa kasaysayan ng Baguio City na umabot sa 7.1 degress Celsius.
Samantala, ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario sa Metro Manila, bumaba din ang temperatura ngayong araw ng Martes (Jan. 15) kumpara kahapon.
Naitala ang 20.2 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden mas mababa kumpara sa 20.9 na naitala kahapon ng umaga.
Sa Tuguegarao City naman, malamig din ang temperatura na naitala ng PAGASA na umabot sa 18.0 degrees Celsius
MOST READ
LATEST STORIES