Temperatura sa Baguio City bumaba sa 12 degrees Celsius; 20.2 degrees Celsius naitala naman sa Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo, Rose Cabrales January 15, 2019 - 11:12 AM

Nakapagtala ng pinakamababang temperatura sa Baguio City ngayong taong 2019.

Kaninang alas 5:00 ng umaga, bumagsak sa 12 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City.

Inaasahan ding bababa pa ang temperatura sa lungsod sa mga susunod na araw.

Noong January 9, 1971 ang pinakamababang temperatura sa kasaysayan ng Baguio City na umabot sa 7.1 degress Celsius.

Samantala, ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario sa Metro Manila, bumaba din ang temperatura ngayong araw ng Martes (Jan. 15) kumpara kahapon.

Naitala ang 20.2 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden mas mababa kumpara sa 20.9 na naitala kahapon ng umaga.

Sa Tuguegarao City naman, malamig din ang temperatura na naitala ng PAGASA na umabot sa 18.0 degrees Celsius

 

TAGS: baguio city, low temperature, Metro Manila, Pagasa, weather, baguio city, low temperature, Metro Manila, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.