Apat arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Lucena City

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 10:52 AM

Arestado ang apat na hinihinalang drug pushers sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Lucena City.

Unang naaresto ang mga suspek na sina Marissa Lagrason at Jenalyn Batad matapos nilang bentahan ng shabu ang isang police agent sa Brgy. Gulang-Gulang, Martes (Jan 15) ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Reydante Ariza, hepe ng pulis sa Lucena, nakuhanan ng 11 plastic sachet ng hinihinalang shabu ang dalawang suspek na tinatayang aabot sa P51,000 ang halaga.

Samantala, sa isa pang buy-bust operation na ikinasa, Lunes (Jan. 14) ng gabi, naaresto naman ang suspek na si Jason Torres, 39 na taong gulang.

Nakuha ka Torres ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P10,000 ang halaga.

May nakuha rin kay Torres na isang caliber 45 na baril, dalawang magazines at 13 mga bala.

Samantala, sa Maharlika Highway sa Barangay Ibabang Iyam, nadakip ang isa pang drug suspect na kinilalang si Danilo Villaester.

Nakuha naman kay Villaester ang limang sachet ng shabu na tinatayang P8,700 ang halaga.

TAGS: 4 arrested, drug suspects, Lucena City, Radyo Inquirer, 4 arrested, drug suspects, Lucena City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.