Tatlo patay sa sunog sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila
(BREAKING) Patay ang tatlong katao sa sunog na naganap sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Fire Insp. Reden Alumno ng Manila Fire Bureau, na-trap sa loob ng kanilang 2-storey na bahay sa 658 Doña Maria St. ang mga biktima.
Kinilala ang mga nasawi na sina Lynn Rose Valentine. 50 anyos; Jordan Valentine, 26 anyos; at Genre Tropicales, 17 anyos.
Nagsimula ng alas 6:17 ang sunog at walang itinaas na alarma ang fire brueau dahil mabilis namang naapula ang apoy.
Pinaniniwalaang sufffocation ang ikinasawi ng tatlo.
Alas 6:47 ng umaga nang ideklarang fire out na ang nasabing sunog.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.