Kumpanyang maaring nagnakaw ng passport data posibleng makasuhan ng theft
Tiniyak ng Malakanyang na kakasuhan ng theft ng pamahalaan ang alinmang kumpanya na responsable sa passport data breach.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na sa korte magtatagpo ang pamahalaan at ang kumpanya kapag hindi ibinalik ang data ng mga Filipino passport holders.
Una rito, ang French company na Francois-Charles Oberthur Fiduciare umano ang tumangay sa data.
Ayon kay Panelo, hindi papayag ang gobyerno na basta na lamang kunin ninuman ang data ng mga Filipino.
Pero ayon kay Panelo, espekulasyon pa lamang sa ngayon na ang French company nga ang kumuha ng data.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.