Pamamahagi ng fuel cards para sa taong 2019 inumpisahan na – DOTr
Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel cards sa mga jeepney operators at drivers.
Isinasagawa ang pamamahagi sa LTO East Avenue, Quezon City at tatagal ito hanggang sa Biyernes, Jan. 18.
Paalala ng DOTr, dalhin lamang ang valid ID, 1 ID picture, kopya ng decision/CPC at photocopy ng OR (latest) at CR para ma-claim ang fuel cards.
Sa ilalim ng Pantawid Pasada Fuel Program, makatatanggap ng PhP5,000 fuel subsidy ang mga may lehitimong prangkisa ng Public Utility Jeepneys (PUJ).
Layon ng subsidyo na tulungan ang mga PUJ operator at driver na makaagapay sa paggalaw ng presyuhan ng produktong petrolyo at epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.