Trillanes nasa Davao City para sa pagdinig sa kinakaharap na kasong libelo
Nasa Davao City na si Senator Antonio Trillanes IV para humarap sa korte sa pagdinig sa kasong libelo na isinampa laban sa kaniya ni Presidential son Paolo Duterte.
Gwardyado ng police escorts ang convoy ni Trillanes sa pagbiyahe nito mula sa Davao International Airport patungo sa korte.
Si Trillanes ay sinampahan ng kasong libelo ng nakababatang Duterte.
Ito ay matapos ang akusasyon ni Trillanes na sangkot umano si Paolo Duterte sa pangingikil sa ride-hailing firms.
Una rito ay nagpalabas ng warrant of arrest ang Davao City Regional Trial Court Branch 54 laban kay Trillanes pero naglagak ng P24,000 na piyansa ang senador sa bawat bilang ng apat na kasong libelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.