Manny Pacquiao nag-training bago tumulak pa-Las Vegas para sa laban kay Adrien Broner

Marc Anthony Reyes | Inquirer Sports

Handang-handa na ang Filipino boxer na si Senator Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Adrien Broner sa January 19 sa Las Vegas o January 20 dito sa Pilipinas.

Ito ang idineklara ni Pacman sa huling linggo ng kanyang training para idepensa ang kanyang WBA Welterweight title.

Sa kabila ng pag-ulan, tumakbo si Pacquiao sa Griffith Park sa Los Angeles bago magtungo sa Las Vegas.

Ang pagharap niya kay Broner ang unang pagtatanggol ng Pinoy boxer sa kanyang titulo at unang laban niya sa Amerika mula noong 2016.

Aminado si Pacquiao na malakas na kalaban si Broner na isa sa mga protege ni Floyd Mayweather Jr.

Read more...