Fil-Am characters tampok sa short film ng Pixar
Inanunsyo ng Fil-Am director na si Bobby Rubio na magiging tampok sa kanyang Pixar short film ang dalawang Filipino-American computer-generated characters.
Ang kanyang pelikula ay may titulong “Float” kung saan magiging tampok ang dalawang Filipino characters na bahagi ng Pixar’s SparkShorts.
Bukod sa Float may isa pang ginagawang pelikula si Rubio na may titulong “Neighborhood Legend,” kung saan tampok naman ang isang Filipina-American character sa San Diego, California.
Ipapalabas ang Spark Shorts sa YouTube sa February.
Naging bahagi rin si Rubio ng mga animated films na “Tarzan,” “Avatar: The Last Airbender” series, at “Up”.
Ipinanganak at lumaki si Rubio sa San Diego, California, Rubio pero ipinagmamalaki pa rin niya ang kanyang Filipino roots.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.