Libu-libong mga guro sa Los Angeles nag-strike; mahigit kalahating milyong estudyante ang naapektuhan

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 08:11 AM

Photo from United Teachers Los Angeles

Nagasagawa ng strike ang aabot sa 300,000 mga guro sa Los Angeles para humiling ng dagdag na sahod at bawasan ang bilang ng kanilang mga estudyante.

Dahil sa nasabing strike, naantala ang klase sa 900 na campuses sa Los Angeles County School District.

Naapektuhan ng strike ang nasa 640,000 na mga mag-aaral.

Sabay-sabay na naglabasan sa mga paaralan ang mga guro bitbit ang mga placard at sumisigaw ng kanilang mga hinaing.

Ang mga guro ay kasapi ng United Teachers Los Angeles o UTLA.

Nais nilang bigyan sila ng 6.5 percent na dagdag na sweldo, magdagdag ng mga librarian, counselor, at nurse sa mga paaralan.

Noong Biyernes, nagkaroon na ng dayalogo pero walang napagkasunduan matapos na 6 percent salary hike lamang ang ialok ng mga district official.

TAGS: Los Angeles, strike, teachers, United Teachers Los Angeles, Los Angeles, strike, teachers, United Teachers Los Angeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.