2 patay sa buy-bust operation sa Malolos, Bulacan

By Rose Cabrales January 15, 2019 - 07:53 AM

Nasawi sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad ang isang lalaki at isang babae sa Malolos City, Bulacan.

Ayon sa Bulacan Police, isinagawa ang operasyon sa isang resort alas 8:30 ng gabi ng Lunes, January 14.

Unang nagpaputok umano ang mga suspek matapos matugunan na pulis ang kanilang katransaksyon.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na dahilan sa pagkamatay ng mga suspek.

Inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Narekokber sa dalawa ang bulto-bultong hinihinalang marijuana at mga baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Bulacan, buy bust, Malolos, Bulacan, buy bust, Malolos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.