AWOL na pulis, patay sa pananambang sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 07:39 AM

Nasawi ang isang dating pulis matapos tambangan ng rinding in tandem sa Barangay Kaligayahan sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Blen Bognot na isang AWOL na pulis at dating nakatalaga sa Quezon City Police District.

Ayon kay Insp. Rosendo Magsipoc, naninigarilyo lamang umano sa harapan ng kaniyang bahay ang biktima nang siya ay barilin.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang ulo ang biktima na kaniyang ikinasawi.

Ayon sa imbestigasyon, nakasuot ng helmet at jacket ang salarin at wala ring plaka ang motorsiklong ginamit nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush incident, AWOL police, quezon city, ambush incident, AWOL police, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.