Mga kaibigan ng mag-asawang Pinoy na nalunod sa Maldives umapela ng tulong para maiuwi ng Pilipinas ang kanilang katawan

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 07:25 AM

FB Photo
Umaapela ng tulong ang mga kaanak at kaibigan ng mag-asawang nasawi matapos malunod habang naha-honeymoon sa Maldives.

Kakailanganin kasi ng P1,268,000 para maiuwi ang katawan nina Leomer at Erika Joyce Lagradilla pabalik ng Pilipinas.

Isang GoGetFunding page na ang ginawa ng mga kaibigan ng mag-asawa upang mabuo ang halaga at maiuwi ang kailang katawan.

Ang mag-asawa ay parehong nurse na kapawa Overseas Filipino Workers.

Ikinasal sila noong Dec. 18, 2019 at umalis patungong Maldives noong Jan. 9, 2019 para sa kanilang honeymoon.

TAGS: Leomer and Erika Joyce Lagradilla, Radyo Inquirer, Leomer and Erika Joyce Lagradilla, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.