Kapalaran ng BOL, bahala na ang taong bayan – Malakanyang
Tinyak ng Palasyo ng Malakanyang na igagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano man ang magiging desisyon ng taong bayan kaugnay sa nalalapit na plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na nakatakdang isagawa sa January 21 at February 6 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa taong bayan na ang pagpapasya sa kapalaran ng BOL.
Aminado si Panelo na powerful influence ang boses ng pangulo kaugnay sa usapin sa BOL.
Ang BOL ay ang panukalang batas na naglalayong palitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
“But, ultimately, it will be the people’s call, whether they want it or not. What is important and certain is that the President will abide by whatever the will of the sovereign people in that part of this country is,” ayon kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.