12 arestado sa sinalakay na drug den sa Makati

Arestado ang 12 katao sa isang hinihinalang drug den na sinalakay ng mga otoridad sa Brgy. Bangkal, Makati City.

Ikinasa ng mga pulis ang buy-bust operation laban sa isang drug suspect na kinilalang si Alyas Kiko dahil sa impormasyong sangkot ito sa pagtutulak ng shabu.

Nakuha sa bahay ni Kiko ang 40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga at mga hinihinalang pakete ng cocaine.

Ayon kay Sr. Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police, nadatnan din sa lugar ang mga parokyano ni Kiko kabilang ang isang driver ng isang towing service.

Sinabi ni Simon na ginawang one-stop-shop ni Kiko ang bahay kung saan doon din nagaganap ang pag-remit sa kaniya ng pera at ang paggamit ng illegal na droga ng kaniyang mga parokyano.

Ayon kay Simon, kunektado si Kiko sa isang high-value target na napatay sa operasyon noong Disyembre.

Read more...