Lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution natagpuan sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 06:46 AM

Police banner

Isang lalaki ang natagpuang patay sa bahagi ng Road 10, Barangay 128 sa Tondo Maynila.

May kadena sa paa at leeg ang lalaki na nilagyan pa ng apat na padlocks nang ito ay makita ng mga residente sa ilalim ng tulay.

Hinihinalang biktima ng summary execution ang hindi nakilalang lalaki na binalot gamit ang t-shirt at duct tape.

Tinatayang nasa 5 feet, 9 inches ang taas ng biktima na ang kamay ay tinalian din ng kable ng cellphone charger.

Kinuhanan na ng fingerprints ang biktima upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

TAGS: Radyo Inquirer, Summary Execution victim, Tondo Manila, Radyo Inquirer, Summary Execution victim, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.