Malakihang oil price hike, epektibo na ngayong umaga

By Dona Dominguez-Cargullo January 15, 2019 - 05:57 AM

Epektibo na kaninang alas sais ng umaga ang malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo.

Nasa P1.40 kada litro ng gasolina at P2.30 kada litro ng diesel ang itinaas sa presyo ng oil products.

Epektibo ang taas-presyo na ito alas 6:00 ng umaga ng mga kumpanyang Petro Gazz, Total, Jetti, Unioil, Phoenix, Petron, Flying V, Seaoil at Shell.

Mayroon ding P2 dagdag para sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Phoenix, Petron, Flying V, Seaoil at Shell.

Habang ang Eastern Petroleum at Caltex ay nauna nang nagpatupad ng dagdag sa presyo ng kanilang produkto kaninang alas 12:01 ng madaling araw.

TAGS: oil price hike, Radyo Inquirer, oil price hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.