LPA sa labas ng bansa lalakas pa; magiging bagyo pagpasok ng bansa sa Biyernes
Dahil sa Amihan ang Cagayan Valley Region at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan ngayong araw na may mahihinang pag-ulan.
Bahagyang maulap hanggang sa mauilap na kalangitan lang ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabi pang bahagi ng Luzon, sa Palawan at sa buong Visayas.
Generally fair weather naman ang mararanasan sa Mindanao at makararanas lamang ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Samantala ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ay huling namataan sa 2,885 kilometers east southeast ng Mindanao.
Dahil nasa gitna ng karagatan, makapagpapalakas pa ang naturang LPA at maaring maging isang ganap na tropical depression sa sandaling pumasok sa bansa Biyernes.
Papangalanan itong Amang pagpasok ng bansa na magiging unang bagyo para sa taong 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.