Video: Grupo ng mga lumad hindi pinayagang makaalis sa bahagi ng Baclaran Church

Binarikadahan ng mga pulis ang grupo ng mga lumad na nagkampo sa Baclaran Church mula kahapon.

Maliban sa mga anti-riot police na kumpleto sa kagamitan gaya ng shield, helmet at truncheons, mayroon ding mga military trainees na nakabarikada para matiyak na hindi makakalabas ng compound ng Baclaran Church ang mga grupo ng lumads.

Nais kasi nilang makaalis sa lugar at makapag-martsa patungo sa Maynila para sumanib sa mga raliyista na nasa Liwasang Bonifacio.

May mga bitbit na banner na may nakasulat na “JUNK APEC” at “Mindanao is not for sale” ang nasabing grupo.

Read more...