NBA stars Bill Wennington, Metta World Peace binisita si Manny Pacquiao sa US

By Angellic Jordan January 14, 2019 - 11:31 PM SHARE(S):
Contributed photo

Binisita ng dalawang NBA champions si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa kaniyang tahanan sa Los Angeles, USA.

Dumaan sa bahay ni Pacquiao sina three-time champion Bill Wennington at Metta World Peace na dating kilala bilang si Ron Artest para bumati bago ang napipintong boxing match.

Noong nakaraang linggo, binisita rin ang fighting senator ng five-time NBA champion na si Michael Cooper at MMA star Cris Cyborg.

Nakatakdang depensahan ni Pacquiao ang WBA welterweight belt kay Adrien Broner sa Sabado, araw ng US, at Linggo naman, araw sa Pilipinas.

TAGS: Adrien Broner, Bill Wennington, manny pacquiao, Metta World Peace, Adrien Broner, Bill Wennington, manny pacquiao, Metta World Peace

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.