LOOK: Moira Dela Torre, Jason Marvin Fernandez ikinasal na

By Angellic Jordan January 14, 2019 - 11:01 PM SHARE(S):
Photo grab from patdy11’s Instagram account

Ikinasal na ang Kapamilya singer na si Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez.

Isinagawa ang kanilang outdoor wedding ceremony sa Tagaytay City, Cavite araw ng Lunes (January 14, 2019).

Sa Instagram account, ibinahagi ng kanilang official photographer ang ilang larawan kung saan makikitang masayang idinaos ang kasal.

Ang “Tagpuan” hit song ni Moira ang nagsilbing wedding anthem ng kanilang kasal.

Parehong nag-alay ng awitin ang dalawang musikero sa kanilang espesyal na araw.

Kumanta naman sa bridal march o entourage ang Pinoy band na Ben & Ben.

Spotted din ang iba pang celebrities na dumalo sa kasal kabilang sina Paolo at Gab Valenciano, Sam Milby, John Prats, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Leila Alcasid, Erik Santos at iba pa.

TAGS: Jason Marvin Hernandez, kasal, Moira Dela Torre, Jason Marvin Hernandez, kasal, Moira Dela Torre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.