Mag-asawang Pilipino, nalunod habang nasa honeymoon sa Maldives

By Len Montaño January 14, 2019 - 09:33 PM SHARE(S):

Nalunod ang mag-asawang Pilipino sa gitna ng honeymoon nila sa Maldives.

Hindi pinangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mag-asawa pero sinabi ng ahensya na ang babae ay 29 anyos habang ang kanyang mister ay 30 anyos.

Ang dalawa ay guests sa isang resort sa Dhiffushi Island at nag-snorkling nang sila ay malunod.

Ang bagong kasal ay na-rescue ng resort workers pero idineklarang dead on arrival sa ospital doon.

Walang naiulat na ibang detalye ukol sa pagkalunod ng mag-asawa.

Nakikipag-ugnayan na ang DFA sa pamilya ng mag-asawa at tiniyak ng ahensya ang tulong para sa repatriation ng kanilang mga labi.

Ang mag-asawa na parehong tubong Laguna ay ikinasal noong December 18, 2018 at pumunta sa Maldives para mag honeymoon noong January 9.

Ang babae ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia habang ang asawa ay nagtatrabaho naman sa Singapore.

TAGS: DFA, MAldives, ofw, DFA, MAldives, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.