Ayon kay Michael Dalumpines, chairman ng APO Production Unit Inc., ang kasalukuyang printer ng electronic passports, na-retrieve o nabawi ang lahat ng data nang i-turn over ang mga equipment sa dating passport contractor.
Sinabi ni Dalumpines na may access sila sa lahat ng data na nakalagay sa mga pasaporte.
Mayroon aniyang nagawa ang kanilang mga Information Technology personnel kaya na-restore ang mga data.
Una rito ay sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kinuha ng French contractor Oberthur Technologies, dating maintenance provider ng printing machines, ang personal data ng passport holders dahil nainis ang kumpanya sa pagtanggal sa kanila.
Pero isang source sa ahensya ang nagsabi na hindi ito totoo dahil naibigay ng dating kontratista ang tinatawag na Day Servers sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at DFA.
May access umano ang DFA sa data at nagkaroon lamang ng inisyal na problema sa sinasabing migration ng data mula Oberthur papuntang DFA at APO dahil sa incompatibility ng softwares.