Duterte, igagalang ang desisyon ng publiko sa Bangsamoro law

By Len Montaño January 14, 2019 - 08:59 PM

Igagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nais ng mga tao sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang isang linggo bago ang plebisito sa ilang bahagi ng Mindanao kung iraratipika o hindi ang BOL.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, tiyak na susunod ang pangulo sa “people’s call” o anuman ang nais ng mga tao na sakop ng naturang batas.

Samantala, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sasama ang pangulo sa rally sa Cotabato sa January 18 bilang suporta sa BOL.

Pero hindi kinumpirma ni Panelo kung dadalo ang pangulo sa rally o hindi.

Kung sa tingin aniya ng pangulo na kailangang ikampanya niya ang ratipikasyon ng BOL ay gagawin niya ito.

Ang plebisito para ratipikahan ang BOL, na papalit sa Autonomous Region of Muslim Mindandao (ARMM), ay gagawin sa January 21.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, Bangsamoro Organic Law, Palasyo ng Malakanyang, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.