Presensya ng Chinese militia sa Spratly, maayos na matutugunan ng pamahalaan – Palasyo

By Chona Yu January 14, 2019 - 08:36 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahanda ang pamahalaan na rumesponde kung kinakailangan sa ulat na may presensya ang Chinese militia sa Spratly Islands.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa ngayon puro espekulasyon lamang na mayroong Chinese militia sa lugar.

Una rito, sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative na maraming Chinese vessels ang nasa Spratly kabilang na sa mga isla na kontrolado ng Pilipinas.

Tiniyak ni Panelo na may ginagawa na ring imbestigasyon ang Department of National Defense (DND).

Makasisiguro rin aniya ang publiko na ang mga nakatalagang magbantay sa lugar ay batid na kung paano rumesponde kapag may banta o wala sa seguridad.

TAGS: Chinese militia, Sec. Salvador Panelo, spratly islands, Chinese militia, Sec. Salvador Panelo, spratly islands

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.